Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Taal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Taal. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Nobyembre 6, 2016

Gusto Ko Sana

Gusto ko sanang ikaw ay makatabi
Nakatitig sa Taal at bahaghari
Pangarap at kabiguan ang ibinabahagi
Masayang alaala ating hinahabi

Gusto ko sanang hawakan ang iyong kamay
At sabay tayong maglalakbay
Kung saan nagtatagpo ang pangarap at panaginip
At kung saan tumitigil ang pagkainip

Ngunit ito'y hanggang nais na lamang
Pagkat puso mo'y may iba ng nilalaman
Kaya gusto ko na lang na ika'y makalimutan
Dahil damdamin mo'y sa iba nakalaan