(Hindi ako magaling sa pagsasalita ng nararamdaman kaya
pwede naman nating ipaubaya sa panulat ang hindi masambit ng dila)
Kapag hawak
na niya ang mikropono
Lahat ng tao’y
napapatango
Sa kahit
saang handaan
Sa kantahan
siya ang number one
Ngunit di lang
sa kantahan siya nangunguna
Sa’king puso
siya ang laging bida
Tinig niyang
sa gabi sa’kiy nagpapatulog
Pag-ibig ang
sa ami’y laging handog
Hindi niya
man kamukha si Piolo
Pero para sa’kin
siya ang pinakagwapo
Sa ngiting
mo, lahat ay napapatingin
Pati sa
Rosanna Roces mahuhumaling
Kaya naman
ika’y aking iniibig
Sa kahit
kanino’y di ka ipagpapalit
Ako’y payapa
sa’yong mga bisig
Sa puso ko
kailanma’y di ka mawawaglit
May mga pagkakataon na hindi ko naiintindihan ang paghihigpit mo sa'min minsan, lalo na noong nag-aaral pa ako. Ngunit nababatid ko na ang lahat ng ginagawa mo ay para sa amin. Marahil ay hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral kundi dahil sa iyo at sa mga pangaral mo.
Thank you for teaching us the importance of respect; that respect is gain by being good. Thank you for teaching us the value of perseverance; that if we want something, we should work hard for it. And most importantly, thank you for making me realize that we should not settle for "ok na yan" in life rather, we should always strive for something better.