Ipinasa ko ang tulang ito sa isang magasin. Sabi ng isa sa mga writer doon, baka hindi pa raw nababasa ng head nila, kaya hindi pa naeevaluate. Nawawalan na ako ng pag-asa, kaya ako na lang magpapapublish :p
Naaalala
ko pa ang nagdaang tag-araw
Kung
saan ang mga bulaklak ay makukulay
At
sa malinis na batis ay nagtatampisaw
Pagkatapos
maglaro sa aming likod bahay
Naaalala
ko pa iyong mga halakhak
Kung
saan ang mga ngiti’y abot hanggang ulap
Tila
‘sang guryong namamasyal sa alapaap
Sa
bulong ng hangi’y sumasayaw, umiindak
Ngunit
ngayon ang guryon ay tila ba naligaw
Sumabit
sa isang punong sa tubig ay uhaw
Kalahating
pakpak nito’y muntik nang mapunit
Mabuti
na lang pisi nito’y hindi napatid
Ngayo’y
unti-unting nagkakaguhit ang mukha
Sinisilip
na lang ang kahapon sa gunita
Tanaw
sa mata ang hirap para makaahon
Mayuming
bulaklak nilipad na ng panahon
Ngunit
ang pagkalanta nito’y siya ring pagsilang
Nang
higit na magandang binhi sa halamanan
Binhing
mamumunga ng asal na natutunan
At
magbabahagi ng magandang kalooban
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento