Candaba, Bagong Tahanan
Sa pag-aagaw ng dilim at liwanag
Kaningningan niya'y aking nabanaag
Sa aking paglalakbay mula sa lungsod
Nasilayan ang bayang langit ang dulot
Isang paraiso aking nasilayan
May makukulay na pakpak sa latian
bayan ng Candaba ako'y inihatid
Sa kalangitan na ligaya ang hatid
Iba't ibang ibon dito nandarayuhan
Mga pakpak nila'y iwinawagayway
Naglalakbay sa ibabaw ng latian
At umiindayog sa mga palayan
Ang mga huni nila'y parang musika
Sa puso't damdamin nagpapaligaya
Ang samyo ng hangi'y tila isang sayaw
Na nagbibigay ng ritmo sa pusong uhaw
Mga Candabeno may pusong busilak
Sa kanila, mapapalapit kang tiyak
Mga ngiti nila ay nakakahawa
Nakakalimutan pati ang problema
Dito ako ay lagi nang magbabalik
Sa bayan ng Candaba laging masasabik
Mabuti na lang ako'y dito dinala
Ng aking mga makukulit na paa
ayiieeeeehh!! gusto ko rin makita!! :))
TumugonBurahinganda dito girl...sobra,..yung tipong antok ka na sa byahe,di ka makakatulog dahil sayang yung view..
Burahin