6:34 pm. Nakatitig sa monitor ng computer dito sa office.
Parang nang-aasar ang kurso ng mouse, pakindat-kindat. “On the Wings of Love”
ang tumutugtog ng back ground music. Wala naman akong balak magsenti, pero
bigla na lang, pumasok ka sa isip ko.
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong sinabi kong
tigilan na natin. Hindi na kasi kita maintindihan. Sa kakapilit kong intindihin
ka, pati sa sarili ko naguguluhan na ako. Iba kasi ang mga pinapakita mo sa
sinasabi mo.
Kung ilang ulit mong sinabing mahal mo ako, makailang ulit
mo ring pinakitang balewala lang ako sa’yo.
I never saw you coming. Sa sobrang magkaiba ng mundo natin,
hindi ko inakalang makukuha mo ang puso ko. Baka nga totoo young sinasabi
nilang, opposite attracts. Pero hanggang attraction lang yun. At hindi lahat ng
attraction, nagtatagal. Kung gaano ka kabilis dumating, ganoon rin kabilis kang
nawala.
Namimiss ko na si Cassie. Yung aso mong panay ang tahol sa
akin noong una akong makita. Pero noong kalauna’y naging close ko na rin.
Namimiss ko na kung paano mo hawakan ang mga kamay ko. Na para bang ayaw mo na
akong mawala. Namimiss ko na ang pagkain natin sa paboritong fast food. At higit sa lahat, namimiss na kita.
Pinakapaborito kong balikan sa alaala ko, noong minsang
naglaro tayo sa Quantum. Para tayong high school na sabik magbasket ball at nag-enjoy
sa mga laro. Sayang nga lang at wala ng videoke noon.
Kahit na nasasaktan ako ngayon, hinding-hindi ko
pinagsisisihan na minahal kita. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko palang magmahal ng lubos, bukod sa mga
kapamilya at kaibigan ko.
Sayang nga lang at mali ang pagkakataon. Kasi kahit na
ipilit ko pa, kung hindi ka pa handa, wala na akong magagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento