Huwebes, Hulyo 27, 2017

Tunog ng Puso

Sa paglapat ng ating mga palad
Nakita ko ang lawak ng langit
Napasilip ako sa nakangiting buwan
Nabura ang bagabag ng kalooban

Dahan-dahan kong susuyurin
At kakalabitin
Ang inaagiw na gitara sa sulok
Lalapatan ng tunog ang bawat pagtibok

Sa mundong walang tinig
Lilikha ako ng musikang magsasayaw sa’yo
Tanglaw ang ‘di mabilang na tala
Iindayog tayo sa melodiya ng ating puso

Liliparin ng hangin
Ang lungkot ng nakaraan
Magkahawak-kamay na lilibutin
Ang bagong lansangan

At kung dumating man
Ang oras ng pamamaalam
Sana’y iyong laging matandaan

Na minsan, lumundag tayo sa kawalan

3 komento:

  1. Mga Tugon
    1. Maraming salamt sa pagbasa ng blog ko. :) Nakakataba ng puso

      Burahin
  2. naalala ko 'yung mga panahong may gana pa akong sumulat ng ganitong klase ng tula:

    "may umaawit gamit ang tinig
    sa pagbuka ng bibig may himig na maririnig
    may lilikha ng awit na karanasan ang gagamitin
    tatagos sa puso bawat katagang sasambitin

    walang hiwaga at talinghaga sa mga sining at kanta
    kung 'di nagmula sa puso ang bawat piraso ng obra
    walang pagmamahal kung walang pagpapahalaga
    kung ang pag-ibig ay ibig (lamang) ay pagnanasa


    may pag-ibig sa sining, may sining sa pag-ibig"

    'Wag magsawang sumulat. :)

    TumugonBurahin