Nakasanayan ko na ang gumawa ng mga takdang-aralin kapag tulog na ang aking mga kasama sa bahay. Ngunit dahil mas masarap ang magsulat kaysa gumawa ng mga bagay na hinihingi sa eskwela, ito ang madalas kong pagtuonan ng pansin.
Bago matapos ang taong 2011, nagkaroon ako ng panandaliang pagtanaw sa mga nakalipas ng pangyayari sa aking buhay. Hindi naman mangyayari ito kung hindi ko nabasa ang isang aklat na may pamagat na "The 7 habits of highly effective people". Ang lakas ng impluwensya sa akin ng librong ito. Nakalimutan ko ang pangalan ko. Sa maikling panahon ng pagbabasa ko nito, nagkaroon ako ng bagong palayaw. Subukin mong hanapin ito sa net at tiyak na magugustuhan mo rin, baka pati apelyido mo magbago.
Nasa ikaapat na taon na ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Mass Communication. Ang 2011 ang isa sa mga taong ginawa kong araw ang gabi. Hindi tulad noong nakaraang taon na eye bags lang ang lumaki sa akin, ngayon, pati na rin ang katawan at tigyawat ko ay lumaki. Malapit ko ng anihin ang alikabok,usok, pawis, kahihiyan, gutom at puyat na itinanim ko. (May nakalimutan pa ata ako, maliit lang kasi ang ipinuhunan ko sa iba). Dito nasukat ang kapasidad naming mag-aaral na magpasa sa takdang oras. Sa pagmamadaling matapos ang mga bagay na ito, nakalimutan ko ang ibang bagay na higit na mahalaga.
Sa taong 2011 ko rin nadiskubre ang kahit papaano'y talento ko nang makapasok ako sa isang radio station. Nakapagpracticum ako sa nangungunang radio station sa Metro Manila(Kailangan pa bang i-memorize yan). Hindi matatawaran ang karanasang ito. Ang mga personalidad na dati'y iniidolo ko lamang ay hindi ko inaakalang makikita at magiging kaibigan ko. Sila ang nagbigay sa'kin ng inspirasyon na alamin ang pangarap ko. Hindi mataas ang pangarap ko, pero kaya kong pumatay ng higit sa sampung ipis(pinakakinatatakutan kong insekto) kapag hindi ko nagawa o natupad ang gusto kong gawin sa buhay ko.
Sa kabilang banda, iba't ibang uri naman ng ibon ang nasilayan ko sa Candaba, Pampanga. Napakagaganda ng mga ito lalo na kapag nagpakitang-gilas sila sa kalangitan at magsayaw sa ibabaw ng tubig. Napakagaling talaga ng Dakilang Lumikha.
Para talagang halo-halo ang nagdaang taon. Sari-saring emosyon ang aking natikman. Kung may anghang ang tabang, mayroon din namang pait at tamis na kukumpleto sa rekado. Paano ko ba naman malilimutan ang mapait na karanasan, kung ang lalaking nagdulot sa akin nito, dati'y flavor pa ng ice cream ang aming naging tawagan.
Pero ang panahon ay lumilipas,
hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa Batangas
Dito ko pala makikita
ang magbabalik ng kislap sa'king mga mata
Humalakhak. Magpasalamat. Magmahal.
"It's not what happens to us, but our response to what happens to us that hurts us"-from the 7 habits of highly effective people
wow!! tarayness oh!!!!! ikaw na friendship!!! hahahaha!!!! oh my FUDGE!! hahahahaha!!!
TumugonBurahinahahahaha!nahulaan yung flavor ng ice cream...ahaha
TumugonBurahin