Kung mahilig akong magsulat, syempre, kinahihiligan ko rin ang pagbabasa. Sabi nga nila, “If you have nothing to read, you have nothing to write. Pero mapili ako sa mga librong binabasa ko. mabilis kasi akong maboryo at mabilis ring maniwala. Kung ano ang nais ipabatid ng librong binabasa ko, pinaniniwalaan ko kaagad. Kaya’t heto ang limang paborito ko.
5. The Notebook-Nicholas Sparks
Isa itong love story. Pero hindi tipikal. Tungkol ito sa isang summer love na humantok sa isang tunay at wagas na pag-iibigan. Gustong-gusto ko ang karakter ni Noah dahil lumipas man ang mga taon, at paghiwalayin man sila ng tadhana, si Allie pa rin ang nasa puso niya. Pinatumbling sa kilig at pinaiyak ako ng aklat na ito. Pakiramdam ko, ako si Allie na laging sinusuyo ni Noah. At kahit hindi na maalala ni Allie si Noah, patuloy pa rin itong nagmamahal at umaasang sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa niya ng kanilang istorya, maalala ni Allie ang kanilang pagmamahalan.
“Day and night are linked in a way few things are; there cannot be one without the other, yet they cannot exist at the same time. Always together, forever apart”
4. Mac Arthur-Bob Ong
Ito naman ay isang libro na sumasalamin sa realidad ng buhay. Ito ay tungkol sa tatlong magkakaibigan (di ko na maalala ang pangalan) na nagnanakaw para mabuhay. Kapag nahuli sila ng pulis, nilulunok nila ang kanilang nadekwat at saka idudumi kapag nakatakas. Nakatira sila sa iskwater kung saan baks ang kahirapan. Nakakaaliw ang kwento. Jologs kumbaga. Halos salitang balbal ang ginamit, mababaw, ngunit may malalim na nais ipakahulugan. MacArthur ang pamagat ng libro sa kadahilanang ang dumi sa inidoro ay inahalintulad kay MacArthur na nagsabing "I shall return".
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral, kung hindi mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.”
3. The Alchemist-Paulo Coehlo
Bago ako pumasok ng kolehiyo, sing gulo ng mga gamit ko ang takbo ng utak ko. Kung minsan sa buhay mo, nakaranas ka rin ng ganoon, baka sakaling makatulong sa’yo ang librong ito. Ito ay tungkol sa paghahanap ng kahulugan ng buhay at pagtupad sa mga pangarap. Sa totoo lang, hindi naman ituturo ng librong ito kung saan ka nakatakda, tutulungan ka lang magkaroon “desire” upang alamin mo kung para saan ka nilkha o kung para kanino ka bumabangon (sabi nga sa commercial).
“It’s the possibility of having a dream come true that makes life interesting”
2. The Seven Habits of Highly Effective People- Stephen Covey
Ito ay isang self-help book na napilitan kong basahin dahil project namin sa school. Itinuturo nito kung paano mo tutuparin ang iyong mga pangarap at kung paano ka mananatiling successful. Di naglaon, nagustuhan ko ang libro dahil ayon dito, ang tagumpay ay hindi naman base sa kayamanan, kundi sa kasiyahan sa mga bagay na mayroon ka. Ang mga habits na tinalakay ditto ay mga values na kadalasn nakakalimutan na natin. Binigyang importansya sa aklat na ito ang paggamit ng tamang pananaw sa buhay.
“The way we see things is the source of the way we think and the way we act.”
1. For One More Day- Mitch Albom
Ilang rolyo ng tissue ang naubos ko habang binabasa ang aklat na ito. Mukha nga raw akong tanga sabi ng kapatid ko. tungkol ito kay Charlie Benetto na naisipang magpakamatay dahil pakiramdam niya wala na siyang kwenta at puro siya palpak. Palpak ang marriage niya at palpak rin ang negosyo niya. Habang naglalakbay ang kalukuwa niya, nakasama niya ang kanyang ina. Nanariwa sa kanyang alaala ang mga panahong nabubuhay pa ang kanyang ina. Sa pamamagitan ng aklat na ito, napagtanto ko ang unay na kahalagahan ng buhay, pamilya at lalo na ang ating ina.
“But there's a story behind everything. How a picture got on a wall. How a scar got on your face. Sometimes the stories are simple, and sometimes they are hard and heartbreaking. But behind all your stories is always your mother's story, because hers is where yours begins. So this was my mother's story. And mine.”
bet ko yung kay mitch albom :)) maganda rin yung tuesdays with morris eh :)
TumugonBurahinahehe...oo nga maganda rin yung book na yun...bakit nga ba hindi ko naisama rito?ahaha...ah medyo matagal ko na kasi nabasa iyon,,natabunan na..ahehe
Burahin