Lunes, Disyembre 31, 2012

Thy Womb


“Isang obra maestra. Ito ay nagsilbing bintana na nagbukas sa natatanging kultura ng mga mamamayan sa Mindanao.Sa pamamagitan nito ay aking nasilip ang buhay, kaugalian at uri ng pamumuhay ng pangkat ng mga tao sa isang sulok ng ating bansa.”

Ang pelikulang Thy Womb ni Ginoong Brillante Mendoza ay tungkol sa kwento ng mag-asawang sina Shaleha (Nora Aunor) at Bangas-an (Bembol Roco) na lubos ang kagustuhan na magkaroon ng anak. Si Shaleha ang nagsilbing kumadrona sa kanilang komunidad. Tumutulong sila sa mga inang magluluwal ng sanggol ngunit sila mismo ay hindi mabiyayaan ng isa man. Ngunit dahil sa wagas na pagmamahal ni Shaleha kay Bangas-an, siya mismo ang naghanap ng magiging kabiyak nito na makapagbibigay sa kanya ng anak. Pinag-ipunan nilang mag-asawa ang pakikpagkasundo kay Mersila(Lovi Poe) na kung saan ang “dowry” ay nagkakahalaga ng P150, 000 at ang kasunduang sa oras na magkaroon ng anak si Bangas-An at Mersila, hihiwalayan  ni Bangas-An ang kanyang asawang si Shaleha.

Kung ating mapapansin, simple lamang ang kwento ng pelikula, ngunit napakahusay ng atake ng direktor. Ang simpleng kwento ay naging magnipiko.


Ipinakilala agad ng director ang kanyang mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng unang scenario kung saan si Shaleha ay nagpapaanak sa isang badjao katulong si Bangas-An. Hindi tulad ng ibang pelikula na kadalasang sinisimulan sa long shot o establishing shot, sinimulan ng director ang pelikula sa close up shot ni Shaleha. Sa saliw ng magandang scoring, nakuha agad ni Brillante Mendoza ang atensyon ng mga manunuod.  Sinundan pa ito ng long shot sa magandang karagatan at kapaligiran na nilakbay ng mag-asawa pauwi sa kanilang tahanan. Ang magandang framing at wastong paggamit sa kagandahan ng kapaligiran ang nagpakinang sa cinematograpiya ng pelikula.

Sa kabilang banda, medyo may kabagalan ang “pacing” ng pelikula. Ngunit hindi naging dahilan ito upang mainip ang mga manunuod bagkus, ito ay naging magandang teknik upang magkaroon ng pakiramdam ang mga manunuod na isa sila sa karakter sa pelikula. Sa pamamagitan ng teknik na ito, tila pinapanuod ko ang natural na pamumuhay ng mga badjao. Tila pansamantala akong tumira sa kanilang pamayanan. Naramdaman ko ang paghihintay ni Shaleha at Bangas-An dahil pinaramdam ng direktor ang tagal ng paghihintay. Naramdaman ko ang hirap ng panghuhuli ng isda. Hindi minadali  o dinaya ang mga shot at scenario. Ipinakita rin ang kultura ng pagpapakasal ng mga Muslim. Naipakita ang bawat detalye, walang pinutol na eksena. Hindi lamang naipakita ang mga pangyayari, naiparamdam rin ng pelikula ang dapat mong maramdaman sa bawat eksena. Nasalamin sa pelikula ang yaman ng kultura at geograpiya na hindi natin pinapansin dati dahil natakpan na ito ng mga hindi magandang opinyong naidulot ng manaka-nakang labanan sa Mindanao.

Kapuri-puri ang natatanging pagganap ni Nora Aunor at Bembol Roco. Tila sila tunay na mag-asawa sa totoong buhay. Kitang-kita ang emosyon sa mga mata ni Nora Aunor lalo na sa scenario kung saan nakatingin siya sa kawalan habang hawak sa mga kamay ang hinahabing banig. Hindi masalita ang pelikula, kaunti lamang ang mga linya ng mga aktor ngunit napakaraming sinasabi ng mga shot. The film speaks for itself.

Kapansin-pansin rin ang paggamit ng simbolismo sa pelikula. Sa isang scenario kung saan nagdadasal at nagpapasalamat si Shaleha dahil sa pag-asang makumbinsi ang pamilya ni Mersila, binanggit niya ang mga katagang “Glory to Allah”, ngunit pagkazoom out ng camera, ipinakita ang isang halamang tinik na tila sumisimbolo sa internal na sakit na nararamdaman ni Shaleha sa sakripisyong kanyang gagawin.

Sa kabuuan, masasabi kong pinanindigan ng director sa pamamagitan ng pelikula ang kinang ng kanyang pangalan. Makikitang pinag-isipan at pinagplanuhan ang bawat elemento sa pelikula at hindi lamang ito ginawa upang kumita ng pera. Tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki ang isang obrang tulad ng pelikulang Thy Womb.

Lunes, Disyembre 10, 2012

10th Avenue




Maswerte ang mga taong nakakita ng mga tunay na kaibigan. Sila yung mga taong pwede mong makasama sa lahat ng pagkakataon ng buhay mo. Kasabwat sa kalokohan, kasama sa tawanan at karamay sa iyakan. Kapag kasama mo sila, wagas ang iyong pagtawa, nakikita pati ngalangala. Sila yung kayang tiisin kahit gaano pa kabaho ang utot mo. Tatawanan ka ‘pag nadapa pero kahit papaano’y tutulungan ka rin namang tumayong muli. Kaibigan, isang tao o mga taong kakambal ng iyong kaluluwa bagama’t ipinanganak sa sinapupunan ng iba. Maswerte ako, dahil nakatagpo ako ng mga espesyal na nilalang na ito.



Di naman pala talaga sila special child, pero pag nakilala mo parang ganun na rin(joke!). Pero sa puso ko, espesyal sila. High school pa lang magkakakilala na kami. Naalala ko pa noon, sabay kaming kumain at umuwi. (Feeling ko ang tanda ko na!) Halos lagi kaming magkasama sa mga gawaing pampaaralan, nagkokopyahan sa mga takdang aralin at pati na rin sa exam(yari kami sa teachers namin neto). Lumipas ang mga taon, nagkahiwa-hiwalay na kami ng paaralan. Pero hindi naging hadlang ito upang kumupas ang aming samahan.



Marami pa tayong plano at pagdadaanan aking mga kaibigan. Pero anu’t ano pa man, walang iwanan, sa halakhakan man o iyakan, pagkakaibigan nati’y walang hangganan. Kita kits sa 10th AvenueJ  





P.S Tinatamad na akong magsulat. Gusto ko lang namang magpasalamat sa inyo.:D

Miyerkules, Disyembre 5, 2012

Mismatch


Some things are meant to be. Some things are not.

May mga bagay talaga siguro na kaya hindi para sa’yo kasi nakalaan na para sa iba. Ang pangit tignan di ba, kung hindi magkaparehas ang tsinelas na suot mo. Kahit na parehong sakto sa paa mo, pero kung magkaiba naman ang disenyo, hindi pa rin match.

Kamakailan lamang ay natapos kong basahin ang aklat na naisulat ni Bo Sanchez na pinamagatang “5 Things you Should do Before you Die”. Isa si Bo sa mga paborito kong awtor. Tulad ng iba pa niyang mga naisulat, marami akong natutunan sa libro na ito. Isa na rito ang pagbibigay ng halaga sa present. Kadalasan, napagsasawalang bahala natin ang present dahil sa kakaisip sa future at sa past. Ang kinakalabasan tuloy, maraming nasasayang na oras at pagkakataon.

Kaya naman tinuturuan ko ang aking sarili na gamitin ang aking mga mata upang pagmasdan ang kasalukuyan at hindi iyakan ang nakalipas na.

Tanggapin man natin o hindi, may mga bagay talaga na nangyayari na wala sa kagustuhan natin. Hindi na natin maintindihan kung minsan. Para bang ang sarap maging kabute. Iyong tipong lulubog at maglalaho kapag hindi mo na kaya ang mga nangyayari at saka lilitaw kapag ayos na ang lahat. Pero hindi ganun kadali iyon. Hindi naman nilikha ang isang barko para lang manatili sa daungan, bagkus ito ay nilikha upang maglakbay sa kabila ng malalakas at malalaking alon. Kailangan lang panatilihin ang katatagan ng kalooban, dahil kung hindi, baka masira ang barko at di magtagal ay bigla na lamang itong lumubog.

Unti-unti, inaalis ko siya sa sistema ko. Unti-unti rin kasing pinapaisip sa akin na nakalaan na siya para sa iba. Matagal akong naghintay sa isang pagkakataon na bago ko pa makuha ay nawala na. Ayoko nang maghintay ulit. Sa kahit kanino at sa kahit ano. Tama si Bo, kailangan nating makita ang kahalagahan ng kasalukuyan para maintindihan ang buhay. Kailangan nating tikman at lasapin, anumang lasa ang ihahanda nito, dahil sa ganitong pagkakataon, darating ang araw na makukuha rin natin ang pinakamasarap na timpla na pwedeng ihain sa atin ng Dakilang Tagapagluto.

Lunes, Nobyembre 19, 2012

The Secret of My Heart


I always say in my blog, love a person without asking anything in return. I have learn to live with that principle even if pain make things harder for me. I have to be prepared for a daily dose of pain and discomfort. Yes, it's unpleasant and demotivating but I have come to realize that it's part of the process. In the first place, I have chosen this. Loving without asking. Loving without expecting. It's not always need to be a give and take process; because a life without love is like a night without moon and stars.

This night ends that dream. A dream that is really beautiful and unforgettable. This night marks the start of reality. Someone awakens me. Someone told me to open my eyes but my heart still dreaming of you. You fell out of love too fast. You gave me no warnings, no signs.I didn't realize that on this night, everything will come to an end. (or did it even really started?)

I am too emotional this night maybe because I have no one to talk to. Usually on a night like this, it is you whom I want to talk to. We talked about life. We talked about our dreams. But on this night, I have to talked with myself. I'm alone. This is why I am writing this blog. 

But deep inside me, even if it hurts so much, even if its the third time that it happened, my heart still longing for you. I still love you. But as I said before, I will just love you from a far, just like how the moon and the sun loved each other. They always come together but forever apart. 


Good night.

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

All is Well

It's always good to have a conversation about life. We always busy talking about work, everyday routine and life of other people, but we rarely talk about life.

There are really some things that are beyond our control. Nitong mga nakalipas na araw, madalas akong makagawa ng mali sa trabaho. Di ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko dahil sa mga kapalpakan ko. Pero ganun naman talaga, hindi naman tayo perpekto para hindi magkamali. Pero sa kabilang banda, hindi dapat ito gawing excuse para gumawa ng mali. Kaya naman dalangin ko na tulungan ako ng Diyos na lalong maging mahusay sa trabaho.

Kaya naman masarap sa pakiramdam na paminsan- minsan ay huminto at magreflect. Suriin ang mga nangyari sa buhay. Nakasalalay naman sa ating sariling pananaw ang buhay. Nasa pagpili lang nang anggulong titingnan. Kaya minsan, sa kabila ng mga di kanais- nais na pangyayari, piliin na lang nating tingnan yung magandang anggulo. Minsan kailangan natin lokohin ng kaunti ang puso, tulad nga ng sabi sa pelikula "All is Well"

Lunes, Nobyembre 5, 2012

Not Just My Ordinary Sunday


“That was just three hours. But it is one of the best three hours of my life. We played and we had fun.”

Isa na namang first time esperience. Nakasakay ako ngayon sa LRT pauwi. Pinili ko na lang magsulat dahil nilalabanan ko ang antok. Antok na dala ng pagod. Parang mga batang paslit na excited sa paghawak ng raketa. Hinahabaol ang bola saan man ito magpunta. May mga sandaling hindi kami nagsasalita, ngunit nagkakaintindihan naman an gaming mga raketa at bola. Para kaming mga musmos na naglalaro sa kalsada. Walang pakialam sa pawis at sa itsura. Ineenjoy ang bawat minuto at oras na kami’y magkasama.

“That was just three hours. But it is one of the best three hours of my life. We played and we had fun.”

Lunes, Oktubre 29, 2012

Bawal Pag-usapan


Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang blog ko ngayong araw. Nais kong ikwento ang mga nangyari pero hindi ako sigurado saan magsisimula.

However, let me just start with this phrase; “Loving someone doesn’t necessary mean you have to be in relationship with him/her. You can love without owning that person, because no one owns anyone.”

Noong high school ako, nagmamadali akong ma in love. At tulad ng ibang kabataan, gusto kong maranasan yung inilalarawan nilang “heaven” kapag kapiling mo yung taong nagbibigay ng kahulugan sa pagtibok ng puso mo.  Kaya naman gusto ko agad magkaroon ng boyfriend.
Pero mali pala, sa kadahilanang kahit na hindi mo kasintahan ang isang tao, pwede mo pa rin siyang mahalin. Kaya nga hindi ako naniniwala sa prinsipyo ng give and take. Because when you give, you should not expect anything in return. You give, because you love and not because you are expecting to gain something. Kung ang prinsipyo ng give and take ang paiiralin, sa aking palagay, lagi lang tayong masasaktan. Lagi lang tayong mabibigo at aasa.





Kanina, naglalakad kami sa kahabaan ng Ocampo St. Ramdam ko talaga ang pagsakit ng paa. Pinupulikat ako. Pero bale wala ang sakit kasi siya ang nasa tabi ko. Naglalakad kami habang tinatanglawan ng buwan sa langit. Tila isa itong mata na nagbabantay at kinikilig sa manaka-nakang pagdidikit ng aming mga braso. Habang magkausap kami, nais kong hawakan ang kanyang mga kamay. Malalim na rin ang gabi ngunit ayoko pang umuwi dahil makalipas ang halos tatlong taon, ngayon na lamang kami nakapag-usap ng ganito. Ibinahagi niya ang mga bagay na hindi niya naibabahagi sa iba. Nagbukas siya ng sarili, at ikinuwento ang lamang ng isip niya. He shared about his dreams, goals and also frustrations. Muli ko rin namang binuksan ang puso ko para sa kanya. Komportable akong kasama siya, naibabahagi ko rin sa kanya ang mga bagay na bihira ko ikuwento sa ibang tao. Para siyang walking diary. Pero isang topic lang naman ang hindi ko kayang sabihin sa kanya ng personal, at ito ay ang katotohanang espesyal at mahalaga siya sa akin. Hindi ko alam kung ito na nga ba ang pag-ibig o simpleng romance lang. Because as they say, romance is easy, love is not. Gayunpaman, batid ko naman na may espesyal siyang lugar sa puso ko. Isang lugar na binuksan ko lamang para sa kanya at siguradong wala nang makakapasok pang iba.

Minsan na siyang dumaan at pagkatapos ay agad ring lumisan. At ngayon, muli na naman siyang naligaw sa dating landas na tinahak. Bagama’t iniwan niya itong baku-bako noon, muli siyang pinayagang pumasok.


Sabado, Oktubre 27, 2012

First time

Hindi naman tayo magkakilala pero sinamahan mo ako maglakad. 

Hinatid mo ako hanggang sa sakayan. Nagkuwentuhan tayo ng mga simpleng bagay tungkol sa atin. Nakakatuwa kang kausap. Sa ilalim ng mga bituin at buwan, lihim akong nakangiti, at sana nakangiti ka rin.

Perstaym ko ata maglakad ng medyo mahaba kasama at kausap ang isang taong bago ko pa lamang nakilala. Nakakatuwa magbahagi ng sarili at makakilala ng bagong kaibigan.

Ito ang una naming pag-uusap pero para bang napakagaan na ng loob ko sa'yo. Kung saan man ito tutungo, sulyapan na lamang natin sa mga buwan at tala.

Miyerkules, Oktubre 24, 2012

Walang Magandang Pamagat

Kung mayroon mang dahilan kung bakit ako nagsusulat ngayon, yun ay dahil naging masaya ako kagabi. Ang pagsusulat ay hindi lamang paraan upang ilathala ang mga natatagong kalungkutan, bagkus ito rin ay isang daan upang magbahagi ng kasiyahan. Sa mga nakalipas na buwan, kadalasang naisusulat ko ang aking nararamdaman na may kaugnayan sa kabiguan. Ngayon, nais ko namang magbahagi ng kagalakan at mga aral na aking natutunan.

Hindi naging madali para sa akin ang naging karanasan ko sa aking unang trabaho. Ganun pala ang kalakaran sa isang malaking kumpanyang napasukan ko. Parang isang survival game. Matira ang matibay. Oo hindi ako naging matibay. Dahil kung ang depinisyon ng pagiging matibay ay ang pagtitiis na halos hindi ko nakakasama ang pamilya at mga kaibigan ko, oo naging mahina ako. Pinalipas ko ang isang buwan. Kung iisipin, napakaikli noon. Pero para sa akin, ang katumbas noon ay halos anim na buwan na dahil sa ito'y naging punung-puno na ng mga alaala.


Nilisan ko ang mundong iyon at naghanap ng bagong pugad. At ito na nga ang pinapasukan ko ngayon. Hindi ito sinlaki ng kumpanyang iniwanan ko. Pero di tulad doon, higit na mabait ang mga katrabaho ko. Nasa katamtaman lang din ang bigat ng trabaho. Hindi ito ang passion ko, pero unti-unti ko itong minamahal. Unti-unti kong niyayakap ang bagong pugad na nagturo sa akin muli kung paano lumipad nang minsa'y mabalian ako ng pakpak.

Linggo, Setyembre 2, 2012

Guni-guni Pagsapit ng Gabi


Matagal-tagal na rin simula nang huli kong bisitahin ang blog na ito. Maraming nangyari sa nakalipas na isang buwan. Nakapunta ako sa airport, dumalaw sa mga nasalanta ng bagyo, naghanap nang taong may sakit na HIV, naghanap ng binahang eskwelahan, umalis sa trabaho at naglagay ng bangs.

Lumipas ang isang buwan na hindi ko na naman namamalayan. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko, pero nangibabaw dito ang kalungkutan at kapaguran. Hindi umayon sa plano ko ang mga pangyayari. Ang inakala kong para sa akin, hindi naman pala. Pilit na ipinagkasya ang size 9 na sapatos sa size 10 na paa. Kaya sa tagal ng paglalakad at panaka-nakang pagtakbo, nagkaroon ito ng sugat at paltos. Mahapdi. At habang tinitiis ko ang sakit, lalong lumalala ang mga sugat.

At ngayon, hinubad ko na ang sapatos, naglalakad ako nang nakayapak. Hindi alam kung saan patungo. At pagsara ng isang pinto ay hindi nasundan nang pagbubukas ng bintana. Daig ko pa ang kuting na naligaw. Ano na nga ba ang mangyayari sa akin?

Kaytagal kong hinintay ang araw ng aking pagtatapos bilang isang mag-aaral. Pero bakit ngayon, tila higit na madali palang pag-aralan ang mga asignatura sa paaralan kaysa tuklasin ang mga leksyon sa buhay. Higit na ligtas ang isang barko kung ito ay nasa daungan. Ngunit hindi ito nilikha para rito, bagkus ito ay nilikha upang maglayag at makipagsapalaran sa malalaking alon.

Sa kabila ng hindi pag-ayon ng tadhana sa mga nais ko, ipapaubaya ko na lamang sa Diyos ang lahat. Batid ko naman na ang kanyang mga plano ay higit na mabuti kaysa sa mga plano ko para sa aking sarili.

Sabado, Agosto 4, 2012

Bente




Noong bata ako, tuwang-tuwa ako tuwing sasapit na ang buwan ng Agosto. Ito ang isa sa mga lagi kong inaabangan dahil ito ang buwan ng aking kaarawan. Isang taon na naman ang nadagdag sa buhay ko. Lumilipas ang panahon, tumatanda na pala ako. Pero hindi ko pa nararamdaman ang pagtanda sa kadahilanang kahit mahirap ang buhay, marami pa ring magagandang bagay na nakapagbibigay sa akin ng saya.

Sa pagsapit ng aking ikadalawampung kaarawan, nais kong magbahagi ng dalawampung aral na aking natutunan. Maaaring ang ilan sa mga ito ay lagi na ring sinasabi ng karamihan, ngunit ibibilang ko pa rin dahil ito ay base sa aking pansariling karanasan.

1. Hindi mahalaga ang anumang titulong nakamit mo, ang mahalaga ay ang pakikisama mo sa mga taong nasa paligid mo.

2. Huwag mong tignan ang mga “beauty magazine”. Ipaparamdam lang ng mga itong pangit ka.

3. Mas madali ang buhay sa pelikula kaysa sa totoong buhay. Kasi kapag nasa kapahamakan na ang bida, pwede siyang iligtas ng writer.


 4.  Samantalahin mo ang iyong kabataan. Huwag kang magmadaling tumanda. Maglaro, tumakbo at makipaghabulan hanggang kaya mo.

5. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kaya huwag na nating isipin. Mapapagod lang tayo.

6. Ang kahapon ay nakalipas na kaya’t huwag nang balikan. Sabi nga ni Doraemon, ang mga mata natin ay nilikha para makita ang ating daraanan at hindi para balikan ang nakaraan.

7. Hindi madaling magpatawad. Pero mas mahirap na dalhin ang bigat ng kalooban lalo na kapag pinatagal.

8.  Lagi natin kailangang mamili sa pagitan ng kung ano ang gusto natin at kung ano ang dapat nating gawin.

9. Hindi masamang magkamali, kasi ito ang pagkakataon natin upang matuto.

10. Huwag sayangin ang oras sa mga taong hindi ka naman gusto. Mas magiging makabuluhan ang buhay mo kung pagtutuonan mo ng pansin iyong mga nagmamahal sa iyo.

11. Alamin kung ano ang tunay mong gusto at sundin ito. Ganun kasimple, pero hindi ganoon kadali.

12. Huwag magpatangay sa agos ng panahon. Minsan sa pagsunod natin, naliligaw na pala tayo.

13. Isaalang-alang ang payo ng mga magulang mo. Wala silang ibang hangad kundi ang mapabuti ka. Pero sa 
huli, ang pagdedesisyon, sa iyo pa rin manggagaling.

14. Makisama ng mahusay sa lahat ng uri ng tao. Naniniwala akong ang bawat isa sa atin ay may koneksyon. Kung gusto mong makatanggap ng respeto, dapat ito rin ang ibinibigay mo.

15. Kung alam mo kung ano ang magpapasaya sa’yo, alam mo rin kung ano ang nagpapahirap sa’yo. Iwanan ang mga nagpapahirap sa’yo, masyadong maikli ang buhay para maging malungkot.


16. May tamang oras at panahon ang bawat bagay. Huwag masyadong magmadali.

17. Minsan sa isang linggo, pagmasdan mo ang bukangliwayway o di kaya ay ang pagsapit ng dapit-hapon. Ito ang magpapaalala sa’yo na kung may simula, may wakas rin.

18. Alagaan mo ang mga kaibigan mo. Ituring silang kapatid na ipinanganak lamang sa ibang magulang.

19. Ikaw ang driver ng sariling mong buhay. Pero ang Diyos ang nagbibigay ng ilaw sa iyong daraanan. Kaya 
kapag nasa madilim na daan ka, magtiwala ka sa ilaw na gagabay sa iyo sa pinili mong ruta ng iyong kapalaran.

20. Leave excess baggage behind. Smile a lot. Love a lot. Live life.

Linggo, Hulyo 22, 2012

Walang Magandang Titulo

Nakita mo na ba ang hinahanap mo?
Paano mo makikita kung hindi mo hinahanap?
Bakit mo hahanapin kung hindi naman nawawala?
Kung hindi nawawala, bakit parang may kulang?

Saludo ako sa mga taong nalalaman kung ano ang ninanais ng kanilang puso at may taglay na lakas ng loob para ipaglaban ito. Madalas tayong maligaw sa daan ng buhay ng hindi natin namamalayan. Paminsan-minsan ay lumiliko sa maling landas. Kadalasan ay tumatahak sa daan na hindi dapat puntahan bunga ng curiosidad. 

Sabi ng iba, nakatakda na raw ang kapalaran natin bago pa man tayo isilang sa mundo. Itinakda raw ito ng Diyos na naglalang sa'tin. Samantala, sabi naman ng iba, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Medyo magulo, ano ba talaga ang tama?

May mga pagkakataon na kailangan nating mamili sa pagitan ng mga bagay na NAIS nating gawin at sa mga bagay na DAPAT nating gawin. Para sa'kin higit itong mahirap kaysa pamimili kung kaliwa ba o kanan. Mas madali kasi kung papipiliin ka na lang sa tama o mali kaysa papiliin ka kung ano ang iyong nais at kung ano ang dapat gawin. Ang masaklap dito, marami kang dapat isaalang-alang, mga damdaming masasaktan at mga buhay na maaaring malihis rin ng daan. Sa isang desisyong gagawin mo, hindi lang buhay mo ang maaaring maapektuhan, kundi buhay rin ng maraming tao sa paligid mo. Kaya kadalasan, mas pinipili natin kung ano ang makakabuti sa nakakarami, kahit pa hindi ito ang makakabuti sa'tin.



Sabado, Hulyo 7, 2012

THESIS- it!!

I was browsing my old notes a while ago until my eyes stopped on a page of my notebook which is about thesis writing. Well, thesis writing is one of the most unforgettable subjects for me in college. It was like tasting an unfamiliar food for the first time. You may not like it at first because of its unfamiliarity, but if you tasted it again for the second time, there is something in it that started to interests you. And because of curiosity, you tasted it again until your taste buds get used to its unique taste. Thesis writing wasn’t even my favourite or hated subject, but through it I learned a lot of things.
Let me share to you some of these things. Let’s start from the academic side of it.
Before choosing a topic you, as the researcher, should know first the purpose of conducting your research. According to my notes, research is conducted to find answers to questions through the process of applying scientific procedures.  It may sound very technical to you but it is self-fulfilling when you able to contribute something to the society through finding an answer to a specific problem. After knowing the purpose of research, the next step is choosing your thesis topic. This is the first step of the thesis writing. Choose a topic that really interests you. It must be something within your specialization. Aside from this, it must also be researchable, manageable and has significance in the present time. To put it simply, choosing a topic is like choosing the one whom you will love. He/She might not right, but important to you. You would know every aspect of his/her personality. You would not get tired of him/her. And most of all, you are willing to defend him/her until the end. Now that you have a topic in mind, formulating the title (the title may change at the end of the study), writing the objective (or statement of the problem) and introduction is the next step. Afterwards, you can now write the succeeding chapters in thesis writing. You must be careful in conducting your research. Always make sure that every step you’ll do is correct because thesis writing is like a domino effect. A mistake on the first step may also cause an error on the other chapters.
Thesis writing is not only limited to academic purposes, it could also help you to know and understand more about your own self. It could help you find your life’s purpose.



During our first meeting in this subject, Dean Ludz (my thesis teacher) asked each one of us what comes to our mind when we heard of the word “thesis”. Some said “challenging” while others said “sleepless nights”. On the other hand, I said “it’s a test of personality”. Thesis writing will not only assess your knowledge and skills but also your behaviour as an individual.
You may choose to do your research either alone or by group. The kind of thesis that you are working into varies on the number of researchers; 1-3applied research, 4-5 researchers-PR/advertising, 5-6-video production. In my case, we’re 5 in our group so we did a video production thesis. In choosing your group mates, I suggest that you should not group with your friends if you know that your friendship has no strong foundation. But if you trust them with all of your heart, the go choose them. Based on my experiences in working with group, I made a top 10 do’s and don’ts that I want to share to you.


Top 10
1. LOVE your group mates as you love yourself. Any misunderstanding during thesis writing should not affect your friendship. At the end of the day, each of you will rely on each other, because you are GROUP MATES.
2. Communicate more often.
3. Be open-minded and respect everyone’s idea.
4. Do not be insecure on other groups. Their thesis is different from your thesis. Trust yourself and your group mates.
5. Everyone should be present and should contribute in doing major parts of the paper. 7. During overnights, it should really be overnight and not SLEEPOVER.
6. If conflict arise (it may be personal or about the research) discussed it with the group. HATE THE SIN AND NOT THE SINNER.
7. Important matters that are discussed within the group should remain only in the group. DON’T SPREAD RUMORS ABOUT YOUR OWN GROUP.
8. Refrain from using social media and avoid any distractions while writing the thesis.
9. Spend time together. Share stories and laugh more often. Create good memories.
10. Forget the bad experiences but learn from it. Always cherish the good times you spend with your thesis mates.

 Furthermore, selecting the best thesis adviser for your thesis also matters. Choose an adviser that is not only knowledgeable with your topic but also willing to help you as well. They serve as a guide for you to complete the whole process. They are like the fire that cooks the food when all the ingredients you needed in thesis writing is complete. In my experience, I am lucky to have not only a guide but an angel that helped us to survive the thesis writing (he will be flattered when he read it).
Sometimes, in other cases, the thesis teacher’s instruction conflicts with the thesis adviser’s. In this case, find the line of similarity. It’s hard to be in the middle but you have to stay there to avoid larger conflict. You have to carefully select the messages you convey on each party. You have to be faithful on both of them.
College life is not just about thesis writing. Don’t be stressed about it. Just do your part and enjoy everything. When I say everything, it’s not just about the good time but also the hard times. Remember that the fire that melts the cheese is the same fire that hardens the steel. Hard times are always part of our life. It’s like a coffee, at first sip, you’ll taste its bitterness but as you go on you’ll taste its sweetness.
Lastly learn to say thank you to all the people that helped you. May it be the tricycle driver that taught you the right way to your interviewee or your classmate that lend his/her camera to you. Learn to look back to these people because all of them contribute to your success. And most of all, thank the Almighty Father who made everything impossible possible.
“Never give up, though it’s hard not to give up”
Hope I’ve share something with you.:)


Biyernes, Hunyo 29, 2012

Airplane





Ayon sa census, halos labing isang porsyento sa mga Pilipino ay nagtatrabaho abroad para may maipangtustos sa kanilang pamilya. Marami rin sa bilang na ito ang matagumpay namang bumabalik sa Pilipinas. Pero kapalit ng mga bitbit nilang tsokolate ay ang pagkawala ng tamis ng kanilang ngiti kasama ang pamilya at kaibigan.
Halos dalawang buwan na akong tambay. Gigising sa umaga, magtitimpla ng kape, maglilinis ng bahay, matutulog ulit, kakain, makikipagkwentuhan, mag-iinternet at matutulog ulit. Sa paulit-ulit na paggawa ng mga bagay na ito, hindi ko na alam ang kaibahan ng lunes sa martes. Halos lingo-linggo na rin ako kung magpalit ng kulay ng kuko. Pati kulay ng buhok ko, gusto ko na rin pagtripan. Mahirap rin pala maging tambay. Pinapanuod mo sa tabi ng bintana ang paglipas ng mga araw at oras. Minsan pag sawa na ako sa bintana, lilipat ako ng lokasyon. Sa veranda ng bahay ng tita ko pinapanuod ang mabilis na paggalaw ng mundo na parang ang bagal pa rin sa paningin ko. Ang tagal sumapit ng July. Malapit na akong mabuang. Minsan, kapag malalim na ang gabi kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isip ko.
Ilang araw na rin akong kinukumbinsi ng tatay ko na mag-abroad. Noong isang araw, kinausap niya yung tita ko na nasa Qatar, tinatanong kung may bakanteng trabaho doon na pwede kong applyan. Nakakabad trip din, parang kulang na lang sabihin niya sa’kin “Anak, umalis ka na dito sa bahay”. Pero alam ko naman na ginagawa niya lang yun dahil gusto niyang kumita ako ng malaking pera. Ang katwiran ko naman, ayoko munang umalis ng bansa. Hindi dahil sa gusto ko pang maging tambay, kundi dahil gusto ko munang paglingkuran ang bansang itinuturing ko na ring tahanan.
Batid kong mahirap mahiwalay sa pamilya. Kaya nga nagtataka ako kung bakit maraming Pilipino pa rin ang nangingibang bayan kahit na alam nilang sa pagbalik nila, marami na ang maaring magbago. Gayunman, alam ko namang pera ang dahilan. Halos lahat ata ng bagay ngayon nabibili na ng pera. Ramdam na ramdam ko ito ngayong tambay ako. Mahirap mabuhay ng walang pera, pero hindi rin naman nito pinapadali ang pamumuhay ng tao.
Hindi ko naman sinasabing salungat ako sa ideyang pangingibang-bayan. Sadyang hindi ko lang ito kayang gawin sa ngayon. Para sa’kin, may mas mahalaga pang bagay sa mundo tulad ng paninindigan, pamilya at pagmamahal. Gusto kong yumaman hindi lang sa material na bagay, kundi pati na rin sa tatlong bagay na ito. 

Martes, Hunyo 12, 2012

Boundary

Minsan may mga gabi na mapapako ang mga mata mo sa kisame ng kwarto.Wala kang ibang makikita kundi ang bumbilya na tumatanglaw sa'yong katawang manhid sa buong araw na pagtatrabaho. Titigil ang paggana ng iyong imahinasyon. Hihinto ka sa pananaginip dahil ang kisameng ito ang siyang magbibigay ng hangganan sa mga pangarap mo. Hindi mo na makikita ang langit, pati na ang buwan at bituin.

Huwebes, Mayo 31, 2012

Huling Ulan ng Mayo





Malamig ang panahon ngayon. Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Maya’t maya rin ang pagkidlat at pagkulog. Nagising ako sa lakas ng patak ng ulan sa aming bubong. Sa ganitong panahon, masarap magkwento at alalahanin ang nakalipas. Mula sa pagkakahiga, bumaba ako para magtimpla ng kape. Paborito ko ang kape, pakiramdam ko mabilis akong mag-isip pag umiinom ako nito.

….Isang higop, sabay amoy sa mabango ngunit may halong pait na samyo nito…sabay lapag sa lamesa….

Magkaklase kami noong first year college. Hindi ko naman siya agad napansin dahil hindi naman siya kagwapuhan. Sa may dulo ng classroom siya nakaupo. Ako naman, sa may bandang gitna. Halata ko na sa umpisa ang pagiging mahiyain niya. Nakayuko at pasulyap na ngiti ang itinugon niya sa aming guro noong siya ay magpakilala. Nagkaroon siya ng mga kaibigan. Nagkaroon rin ako ng mga bagong kakilala. Masiyahin at palabiro siya sa mga kaibigan niya, ngunit sadyang tahimik at mahiyain pagdating sa klase. Ako naman, tulad ng nakasanayan, aktibo at seryoso sa pag-aaral. Kalagitnaan ng semester, nagkagusto sa’kin ang barkada niya. Samantala, nagkagusto naman siya sa barkada ko. ‘Di maiwasan ang magkatuksuhan at magkabiruan. Isang araw, siya ang nakatakdang mag-ulat sa klase namin sa Filipino. Tinabihan niya ako sa upuan at nagpatulong kung paano niya iuulat ang nakatakda sa kanyang topic. Tinuruan ko naman siya.

…Amoy sa kape, sabay higop at lapag muli sa lamesa..medyo humina na ang buhos ng ulan….

Habang nagsasalita ang guro sa harapan, biglang lumindol. Hindi naman kalakasan. Pero natakot ako dahil iyon ang unang beses kong makaramdam ng lindol. Sinabi ko sa kanya na natatakot ako. At ang tugon niya, hindi ko nakalimutan ang mga itinugon niya, “huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa’yo”. Maikli, ngunit nagdala ng kiliti sa mga puso ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Nakangiti siya. Napangiti na rin ako. Tumunog ang emergency alarm at pinalabas kami ng silid.
Ang naging pag-uusap namin na iyon ay nasundan pa. Pati sa cellphone at Friendster nag-usap na rin kami. Nagtapos na ang unang semester ko sa kolehiyo. Nakaramdam ako ng bahagyang lungkot dahil mahihiwalay na ako sa mga kaklase ko, mahihiwalay na ako sa kanya.
Nagkataon naman na ang isa sa mga barkada niya ay naging kaklase ko pa rin sa ikalawang semestre. Tuwing wala kaming guro, lagi siyang nasa klase namin.

…Higop ng kape sabay lapag sa lamesa…

Midterms. ‘Di maipinta ang mukha ng mga kaklase ko dahil sa hirap ng exam sa biology. Pati ako, parang panandaliang ‘nabuang’. Paglabas ko ng silid, nakatayo siya, nakatingin sa akin, sabay yuko at pasulyap-sulyap na ngiti. Nilapitan ko siya para kamustahin ang exam niya. “Madali lang, ako pa ba?”, aniya. Natawa ako sa sagot niya. Medyo may kayabangan pero ‘cute’ ang dating sa kanya. Kinuha niya ang isang kahon na kulay dilaw sa loob ng bag niya. Hiyang-hiya niya itong inabot sa’kin. “Oh, toblerone mo”, sabi niya. Nagulat ako dahil ito ang unang beses na may nagbigay sa’kin ng tsokolate. Hindi ko alam kung kukuhain ko ba. Pero siya na rin ang nag-abot sa mga kamay ko. ‘Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko noon. Para bang may kuryente sa mga ngiti niya na tumagos sa puso ko.
“May kapalit yan ah,”pahabol niya.
“Ano?”, wika ko naman.    
“Nood tayong sine”
Napatulala ako. Napanganga. Parang huminto lahat ng tao sa mga ginagawa nila. Ako, siya, kaming dalawa, manunuod ng sine??Bakit? Hindi ako nakasagot noon, bagkus isang halakhak lang ang naitugon ko sa kanya.
Lumipas ang mga araw. Dumaan ang mga gabi. Halos lagi niya akong tinatawagan. Wala siyang sinasabi o tinatanong tungkol sa kung anong meron kaming dalawa. Hindi ko rin naman siya tinanong. Basta ang alam ko, espesyal ang tingin ko sa kanya. More than friends but less than lovers, ika nga nila.
Pero hindi rin nagtagal ang ganoong set-up. Naging madalang na lang ang pag-uusap namin. Kung dati’y araw-araw, naging isang beses na lang sa isang lingo. Hanggang sa tuluyang mawalan na kami ng komunikasyon. Walang paalam na salitang nagmula sa kanya. Hindi ako nagtanong. Hindi ako nag-usisa, dahil hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ako sa kanya. Pero tuwing gabi, bago ako matulog, siya ang huling laman ng isip ko.
Nagbukas ang bagong yugto ng buhay ko sa kolehiyo. 2nd year na ako. Nagkakasalubong kami sa paaralan pero walang pansinan. Parang hindi niya ako kilala. Para akong naglalakad sa bubog na walang panyapak tuwing magkakasalubong kami. Hanggang sa matapos ang unang semstre sa 2nd year. May natanggap akong mensahe mula sa kanya. Humihingi siya ng tawad at hinihiling na mag-usap kaming muli. Mabilis akong pumayag dahil ang taong ito na akala ko’y espesyal lamang, minahal ko na pala.

..Mapait ang kape, pero may iniiwang matamis na lasa…

Nagkita kami at muling nagkausap. Namasyal. Nagkuwentuhan at nagtawanan. Parang walang nangyari. Hindi ako nagtanong. Inenjoy ko ang araw na iyon na magkasama kami. Malalim na ang gabi pero magkasama pa rin kami. Hanggang sa maikwento niya na baka lumipat na siya ng paaralan dahil sa mga asignatura na lumagpak siya. Inintindi ko siya at dinamayan sa problema niya. Muli kaming naging maayos. Magkausap kami halos araw-araw. Magkasama kami mula umaga hanggang gabi. Sa isang bahagi ng Intramuros, nagkuwentuhan, nagkantahan at sabay kaming nangarap. May pagkakataon rin na nakaupo lang kami habang nakatingin sa bituin at buwan. At pagkatapos ay maglalakad pauwi.
Sa mga pagkakataon na hinihintay niyang matapos ang klase ko, panandaliang pakiramdam ko ay ako si Cinderella na hinihintay ng kanyang prinsipe. Isang gabi, naging seryoso ang aming pag-uusap. Ipinagtapat niya ang nararamdaman niya para sa’kin. Gayundin naman ako sa kanya. Tatlong salita ang binanggit niya. Tatlong salitang lubos ang kapangyarihan. Napatumbling ako sa kama nung binanggit niya iyon. Tinugon ko rin naman. Hindi ko alam kung boy friend ko na ba siya o girl friend na niya ako. Pero ngayon, may isa nang sigurado, mahal niya ako, at ganoon din naman ako sa kanya.

..Nawala na ang init ng kape.

Pero dumating ang araw na kinatatakutan ko. Muli, hindi na naman siya nagtetext o tumatawag. Hindi ko na naman alam ang dahilan. Pero sa pagkakataong ito, nagpaliwanag siya.
“Tigilan muna natin ‘to?”, wika niya.
“Bakit?”, sagot ko naman.
“Gusto ko munang hanapin ang sarili ko, “ sabi niya.
“Bakit?, “sagot ko.
“Masyado akong maraming problema.”
“Gusto mo ba hintayin kita?”
“Magpakasaya ka muna sa buhay mo, marami ka pang makikilala.”
Hindi na ako nakatugon pa. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na maintindihan pa ang ibang sinabi niya. Tumayo na siya. Tumayo na rin ako. Niyakap ko siya at tuluyang nagpaalam.
Iyon na ang huli naming pagkikita. Iyon na rin ang huli naming pag-uusap. Pero hindi iyon ang huling pagkakataon na inisip ko siya. Minamahal ko siya at laging ipinagdarasal kahit malayo kami sa isa’t isa. Sa gabi, tuwing nakatngin ako sa buwan at mga bituin, naaalala ko ang mga ngiti niya at ang mapungay niyang mata. Umaasang nasaan man siya, nakatingin rin siya sa langit at alaala ko rin ang nasa isip niya. Lagi kong suot ang bracelet na ibinigay niya. Dahil dito, ang mga kamay niya’y para na ring nakahawak sa mga kamay ko. Halos dalawang taon ang lumipas bago ako tuluyang makamove on sa kanya.

..Ubos na ang kape at tumila na ang malakas na ulan.


Araw ng pagtatapos, di ako makapaniwalang tapos na ako ng kolehiyo. Nasorpresa ako sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahang makikita ko ang isang taong kahit kailan ay hindi nawala sa puso ko. Dumalo siya sa graduation day ko. Nagkamustahan kami. Lubos ang kagalakan ko nang mga oras na iyon. Nabura ang pait ng kahapon at napalitan ng tamis ng mga ngiti namin sa isa’t isa. Marahil hindi na namin mahal ang isa’t isa na gaya ng dati. Pero mayroon siyang espesyal na lugar sa puso ko. Lugar na kung saan siya lang ang mananahan at mananatiling espesyal.

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Shooting Star


Malakas ang tikatik ng bentilador sa kisame. Katatapos ko lang maglaro ng tetris battle ngunit 'di pa ako dalawin ng antok. Mapungay na ang aking mata at tulog na ang aking kapatid. Maghahanda na sana ako upang matulog ngunit biglang sumagi ang alaala mo sa aking isipan. Matagal tagal na rin tayong hindi nagkikita. Tunay na napakalayo natin sa isa't isa ngunit sa pagtanaw ko sa buwan at sa mga bituin, para bang kay lapit mo lamang. Umaasa akong sa iyong bintana, nakasilip ka rin sa mga palamuti ng langit at ako ay iyong naiisip. Sa pamamagitan nito, ang puso mo at ang puso ko ay para na ring nagkausap.

Lunes, Mayo 28, 2012

Top 5 favourite books


Kung mahilig akong magsulat, syempre, kinahihiligan ko rin ang pagbabasa. Sabi nga nila, “If you have nothing to read, you have nothing to write. Pero mapili ako sa mga librong binabasa ko. mabilis kasi akong maboryo at mabilis ring maniwala. Kung ano ang nais ipabatid ng librong binabasa ko, pinaniniwalaan ko kaagad.  Kaya’t heto ang limang paborito ko.

5. The Notebook-Nicholas Sparks
Isa itong love story. Pero hindi tipikal. Tungkol ito sa isang summer love na humantok sa isang tunay at wagas na pag-iibigan. Gustong-gusto ko ang karakter ni Noah dahil lumipas man ang mga taon, at paghiwalayin man sila ng tadhana, si Allie pa rin ang nasa puso niya. Pinatumbling sa kilig at pinaiyak ako ng aklat na ito. Pakiramdam ko, ako si Allie na laging sinusuyo ni Noah. At kahit hindi na maalala ni Allie si Noah, patuloy pa rin itong nagmamahal at umaasang sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa niya ng kanilang istorya, maalala ni Allie ang kanilang pagmamahalan.
“Day and night are linked in a way few things are; there cannot be one without the other, yet they cannot exist at the same time. Always together, forever apart”






4. Mac Arthur-Bob Ong
Ito naman ay isang libro na sumasalamin sa realidad ng buhay. Ito ay tungkol sa tatlong magkakaibigan (di ko na maalala ang pangalan) na nagnanakaw para mabuhay. Kapag nahuli sila ng pulis, nilulunok nila ang kanilang nadekwat at saka idudumi kapag nakatakas. Nakatira sila sa iskwater kung saan baks ang kahirapan. Nakakaaliw ang kwento. Jologs kumbaga. Halos salitang balbal ang ginamit, mababaw, ngunit may malalim na nais ipakahulugan. MacArthur ang pamagat ng libro sa kadahilanang ang dumi sa inidoro ay inahalintulad kay MacArthur na nagsabing "I shall return".
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral, kung hindi mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.”





3. The Alchemist-Paulo Coehlo
Bago ako pumasok ng kolehiyo, sing gulo ng mga gamit ko ang takbo ng utak ko. Kung minsan sa buhay mo, nakaranas ka rin ng ganoon, baka sakaling makatulong sa’yo ang librong ito. Ito ay tungkol sa paghahanap ng kahulugan ng buhay at pagtupad sa mga pangarap. Sa totoo lang, hindi naman ituturo ng librong ito kung saan ka nakatakda, tutulungan ka lang magkaroon “desire” upang alamin mo kung para saan ka nilkha o kung para kanino ka bumabangon (sabi nga sa commercial).
“It’s the possibility of having a dream come true that makes life interesting”





2. The Seven Habits of Highly Effective People- Stephen Covey
Ito ay isang self-help book na napilitan kong basahin dahil project namin sa school. Itinuturo nito kung paano mo tutuparin ang iyong mga pangarap at kung paano ka mananatiling successful. Di naglaon, nagustuhan ko ang libro dahil ayon dito, ang tagumpay ay hindi naman base sa kayamanan, kundi sa kasiyahan sa mga bagay na mayroon ka.  Ang mga habits na tinalakay ditto ay mga values na kadalasn nakakalimutan na natin. Binigyang importansya sa aklat na ito ang paggamit ng tamang pananaw sa buhay.
“The way we see things is the source of the way we think and the way we act.”

1. For One More Day- Mitch Albom
Ilang rolyo ng tissue ang naubos ko habang binabasa ang aklat na ito. Mukha nga raw akong tanga sabi ng kapatid ko. tungkol ito kay Charlie Benetto na naisipang magpakamatay dahil pakiramdam niya wala na siyang kwenta at puro siya palpak. Palpak ang marriage niya at palpak rin ang negosyo niya. Habang naglalakbay ang kalukuwa niya, nakasama niya ang kanyang ina. Nanariwa sa kanyang alaala ang mga panahong nabubuhay pa ang kanyang ina. Sa pamamagitan ng aklat na ito, napagtanto ko ang unay na kahalagahan ng buhay, pamilya at lalo na ang  ating ina. 

“But there's a story behind everything. How a picture got on a wall. How a scar got on your face. Sometimes the stories are simple, and sometimes they are hard and heartbreaking. But behind all your stories is always your mother's story, because hers is where yours begins. So this was my mother's story. And mine.”






Kapirasong papel


March 23, 2012

Di pa ako dalawin ng antok. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang araw, tatanggapin ko na ang kapirasong papel na pinaghirapan ko sa loob ng apat na taon. Sa loob ng dalawang araw, aanihin ko na ang mga itinanim ko sa apat na sulok ng pamantasan.
Kanina ay idinaos an gaming baccalaureate mass. The priest said that we should always be grateful to God. I agree with him because God is the source of all that I have right now. This would not be possible without Him. Upon listening to the homily I remembered all those sleepless nights I’d spend doing school works. The memories of those days, how we laugh, cry, jump, terrified flash back in my mind.
I was also surprised today in the mini party organized by third year students for us graduating students of mass communications. That was just a mini party but it made a major impact in my heart. I remember the line delivered by our Dean, she said “The mind can forget, but the heart will always remember”.
Today, I laughed a lot, hugged a lot, cried a lot and kissed a lot. This day will soon be just a memory, but definitely, it will be a memory that will be forever treasured.

Finish Line



Ito ay isa sa mga hindi ko nailathalang sulatin noong ako ay kasalukuyang nag-aaral pa sa kolehiyo. Naisulat ko ito ilang araw bago ang aking pagtatapos. Marahil ito ay produkto ng ilang gabing hindi ako nakatulog at talaga namang pagod na pagod sa paggawa ng mga gawaing pampaaralan.

March 15, 2012

Ngayong gabi may mga ideyang nagsulputan sa utak ko na matagal nang nagtatago sa puso ko.
Nalalapit na ang aking pagtatapos. Mas dumadalas ngayon ang mga ideyang hindi ko alam kung tama. Napapagod na akong mag-aral. Pakiramdam ko ngayon napakaraming oras ang sinayang ko. Ang dami kong gusting gawin sa buhay. Mga bagay na hindi ko magawa dahil sa mga deadlines na kailangan kong habulin sa school. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang kotseng kasali sa paligsahan. Kailangan kong bilisan para maunahan ang mga kalaban. Isang ruta lang ang pwede kong tahakin. At ito ang destinasyon patungong finish line. Bawal lumihis sa kaliwa o kanan, matatalo ako. Pero ano na nga ang mangyayari kapag narating ko na ang finish line? Ano kaya ang pakiramdam? Minsan gusto ko ng huminto, pumreno at magpahinga muna sa isang tabi. Pero hindi puwede dahil mauunahan ako ng iba. Tanging ang gasoline ng pagmamahal ng Diyos at ng aking pamilya ang inaasahan ko. Sana may magandang naghihintay sa finish line.
Batid kong hindi ito ang hudyat ng pagtatapos bagkus ito ang simula ng isa pang karera ng buhay.

Miyerkules, Mayo 23, 2012

"Touch Move"


Noong bata ako, ito ang pinakaayaw kong rule sa laro tulad ng piko, chess at dama. Kapag nahawakan mo na ang pamato o ang piyesa wala ng bawian sa pagtira. At ngayon, isa rin ito sa pinakaayaw kong rule ng buhay. Touch Move, wala ng bawian.
Sabi nila mas pagsisisihan mo raw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na nagawa mo. Pero sa aking opinion, ang halaga ng isang bagay o sitwasyon ang magdidikta kung higit mo itong pagsisisihan o hindi.
Kamakailan lamang naipasa ko ang examination sa isang sikat na TV Network sa bansa. Makalipas ang ilang araw ay tinawagan ako ng HR para sa isang interview. Sa isang programang tumatalakay sa magagandang kabahayan ng mga sikat na personalidad ako unang nainterview. Ikatlong interbyu ko na ito simula nang umpisahan ko ang paghahanap ng trabaho matapos ang lubusang paglaya ko sa apat na sulok ng silid-aralan. Tulad ng naramdaman ko sa unang dalawang interbyu, naihi at pinagpawisan rin ako ng malamig habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang opisina. Tila biglang umikli ang palda kong above the knee ang haba. Ang buhok kong straight ang bagsak ay bigla nagfly away. Pero pilit kong tinibayan ang tuhod kong matagal nang nanginginig. Ilang sandali pa tinawag na ang pangalan ko. Ibinalik ko sa tindig ang aking sarili tulad ng isang magiting na mandirigmang sasabak sa gyera. Naging casual naman ang daloy ng pagtatanong. Di naglaon, nawala ang kaba ko at naging komportable. Paglabas ko ng silid, napangiti ako, jackpot, ayos ang interview.
Pinapunta ako sa HR at pinapirma ng mga kaukulang dokumento. Ibinigay rin ang mga papel para sa medical at drug test. Pero sa June pa raw ako magsisimula. Medyo matagal, pero kaya namang hintayin.
Sumikat ang araw at lumpias ang gabi. Humigit-kumulang sa limang araw akong nagbakasyon. Pagbalik ko ng Maynila, muling tumawag ang nasabing kumpanya. Sa july na raw ang simula ko. Medyo kumunot ang aking noo. Tila yata humaba ang pisi ng paghihintay. Muli akong isinalang sa isa pang interview. Sa pagkakataong ito, para sa programang nangangailangan ng mas malalim na research. Hindi biro ang pinagdaanan kong pakikipag-usap. Mata sa mata, titig sa titig, pawis sa pawis. May kasungitan ang nagtatanong, straight forward at naninindak. Naninindak na tulad ng ipis na di mapakali sa paggapang sa hagdanan habang isinusulat ko ito. Pero tulad ng dati, hindi nagpatinag ang mandirigmang nagbabalatkayong tila handa sa anumang gyera.
Naguluhan at nalito ako. Hindi ko alam kung ano ang tamang piyesang galawin para sa larong ito. Alin nga ba ang dapat piliin, ang madali o ang challenging? Natakot akong harapin ang challenges. Natakot akong isugal ang karamihan sa natitirang pyesa kaya’t dahan-dahang inangat ko ang piyesa na tungo sa mas madali.
Ang desisyong ito ay hindi rin naman nagbunga ng maganda. Hindi ko nakita ang maaring maging galaw ng kalaban. Pero dahil “touch move” wala ng bawian. Isa pang maling galaw, unti-unting mauubos ang piyesa ko o kaya’y “checkmate”. Unti-unting gumagapang ang ipis papunta sa lamesa, sa pitsel, at sa baso; sa isa pang baso, at sa isa pang baso. Ang limang baso ay halos nadapuan na ng malikot na ipis. Pinili kong tumayo na lang, maghintay ng tutulong at tuluyang magtago ang ipis sa sulok ng bahay. Natakot ako. Sa simula pa lang talaga, takot na ako. Umaasang sa pagbaligtad ng ipis sa sahig, tama ang naging move ko.

Sabado, Pebrero 25, 2012



Candaba, Bagong Tahanan

Sa pag-aagaw ng dilim at liwanag
Kaningningan niya'y aking nabanaag
Sa aking paglalakbay mula sa lungsod
Nasilayan ang bayang langit ang dulot

Isang paraiso aking nasilayan
May makukulay na pakpak sa latian
bayan ng Candaba ako'y inihatid
Sa kalangitan na ligaya ang hatid

Iba't ibang ibon dito nandarayuhan
Mga pakpak nila'y iwinawagayway
Naglalakbay sa ibabaw ng latian
At umiindayog sa mga palayan

Ang mga huni nila'y parang musika
Sa puso't damdamin nagpapaligaya
Ang samyo ng hangi'y tila isang sayaw
Na nagbibigay ng ritmo sa pusong uhaw

Mga Candabeno may pusong busilak
Sa kanila, mapapalapit kang tiyak
Mga ngiti nila ay nakakahawa
Nakakalimutan pati ang problema

Dito ako ay lagi nang magbabalik
Sa bayan ng Candaba laging masasabik
Mabuti na lang ako'y dito dinala
Ng aking mga makukulit na paa